Hindi ka na talaga tulad ng dati.
- pag nagtatampo ako sa’yo hindi ka tumitigil suyuin ako hangga’t sa pansinin kita.
- hindi mo hinahayang tumagal ng oras ang bawat away natin,
- Hindi mo kayang mag walk out. Kung nag walk out ka bumabalik ka din agad.
- umiiyak ka agad kapag di na kita pinapansin
- hindi ka tumitigil magtext hangga’t hindi pa tyao bati
Ngayon:
nagagawa mo nang hindi rin ako pansinin.- patigasan na tayo.
- pataasan na ng pride
- tuluyan ka nang nag wa-walk out.
- isang sorry nlang ang tinitext mo
Bakit ganun? 10months na tayo. Ibig sabihin ba nito pagod ka na? Pagod ka na bang intindihin ako? O masyado akong kampante na mahal na mahal mo ko? na hindi ko napapansin unti unti ka nang nagbabago? O ako talaga ang may mali at na realize mo ito kaya nagbago ka na?
Hindi ko maintindihan. Hindi na ikaw yung kilala kong rojaisen, bakit? anong meron? ang gusto ko lang naman lambingin mo ko? kasi minsan na nga lang tayo magsama/magkita pero kung maka react ka, akala mo kaaway mo ko na kelangan gantihan din.
Valentines Day bukas marami kng plano, gusto mo ko isama sa school party niyo, sa birthday ng classmate mo. Tingin mo, bakit hindi ako umo-oo? Hindi ko naman kasi gusto sa madaming tao, hindi ko gusto makipag party, ang gusto ko lang, bigyan mo ko ng isang pirasong bulaklak (kahit pinulot mo lang) magkwentuhan tayo, kumaen sa labas. at sumayaw sa favorite nating song.
gusto ko ligawan mo ako ulit, at sasagutin ulit kita sa araw ng mga puso. Gusto ko makaramdam ng kilig. Di ko naman hangad mga chocolates na yan eh, milo ayos na sakin. Pero bakit hindi mo ako maintidihan?
Siguro nga, hindi na tayo nagkakaintindihan. Masyado tayong kampante sa isa’t isa. Kaya pinapabayaan nalang lumipas yung mga tampuhan. Nalimutan nating In Love pala tayo sa isa’t isa, na ang pagunawa ang pangunahing dahilan nito.Pagiging sweet ang pangalawa at tiwala ang pangatlo.
-
diaryofaclingykid liked this

