After Break-up.
Ano ang mahirap pag tapos ng isang magandang samahan? Eto yun, magpansinan. Bakit mahirap? It’s either panget ang ending niyo, o sobrang mahal na mahal mo pa rin siya. Ano nga ba ang totoo? Bakit ipinagkakait natin sa taong minsan (patuloy) na nating minahal yung pagiging kaibigan? Eh nung nag umpisa kayo ang laging bukang bibig niyo eh, “Hindi kita iiwan!” “Dito lang ako lagi para sayo”. After all, maganda man o panget yun pagtatapos ng relasyon niyo, hindi tamang maging bitter kayo sa isa’t isa. Bakit ba hahayaan mong mapuno ng puot yang puso mo?
Hindi mo ba ma-realize na mas marami pa din yung masasayang moments niyo, mga kalokohang pinagsamahan niyo, at higit sa lahat ang pagmamahalan niyo. Oo masakit maiwan, maloko, pero lahat naman tayo nakadama na nyan. Kung siya man o ikaw ang may mali sa relasyon niyo, bakit hindi nalang pagbigyan ang isa’t isa at bumuo ng magandang pag kakaibigan? Wag niyong sabihin na, ang galing ko mag salita palibhasa di ko nadadama ang nadarama niyo. Minsan na akong naloko, iniwan at pinaasa, sa kabila non, hindi ko magawang magalit, bakit ako magagalit sa taong mahal ko? eh mahal ko nga, sadyang hindi ako ang taong mahal niya.
Lahat naman tayo ayaw maloko, masaktan at maiwan. Gusto nating mahalin tayo ng taong mahal natin, darating din yan, sa tamang panahon at sa tamang tao.

